Wednesday, September 26, 2007

Papansin...

hay...may mga taong pinapansin,
nagpapapansin, at walang pumapansin.
Mayron din mga taong naghahanap ng
papansin sa kanila, ngunit hindi naman
binibigyang pansin. Mayroon ding
nagpapasikat, ngunit hindi pinapansin.
Oh, kung alam nyu lang...
Mahirap ang nagmamahal kung ang
minamahal mo ay sumusunod sa iba.
Naranasan mo na iyon? Na kung ang
hinahanap mo ay hindi masabi ang tatlong
minimithi mong sagot? Na ikaw ang
parating naghahabol? O kay hirap ng
ganoon. Kung masasabi ko lang na
"tangina meron ka palang iba, anu pang
rason na magpatuloy pa tayo?!"
ngunit hindi ko masabi...
May pasensya pa naman ako. Parang
kasasagot lang at wala pang isang buwan
na ay nawala na ang saya.
wag na nga akong mamansin.

-aray. masakit.-

No comments: